Monday, November 11, 2019

Buhay Bonsai Artist: Pros & Cons sa Pagputol ng Sanga

Minsan dumarating sa artist ang titigil sa ginagawa at mag-iisip ng pros and cons. Dahil may buhay ang subject at taon ang bibilangin, kailangang pag-isipan bago pumutol, at makita na sa isip ang finished product.

Here is an example. Please read the caption per photo.

I hope agree kayo sa ginawa ko. Please share your opinions and comments. Newbies, sana may mapulot kayo sa post na ito.

Cn: Kamuning tulis, Kamtulis
Sn: Murraya paniculata


Green - mas detalyado na ang sanga.

Red - matigas at malutong, di na pinilit ibaluktot pero may possibility pang maibaba gamit ang anchors.

Blue - binalatan ng konti to add consistency sa mga patay na stumps sa baba.


Yellow - sa mga susunod na workshop na ang ukit either by a chisel o power tool.

Black - palalakihin para maging mas malapit sa right branch ng main trunk (red arrow).

Pink - pag-iisipan pa kung puputulin depende sa outcome ng black.



Green - cross branch.

Red - hindi ito ang red arrow sa 1st pic. Ito ang dahilan ng reverse taper. Option ko ay alisin ang red sa 1st pic at itira ito, easier option dahil sa ilalim ang ukit at kaya na ng knob cutter, or 2nd option ay alising ang tumubo sa gitna para mas may sayaw ang branch, at ukitin ang gitna. Sa 2nd option ako nakumbinsi ng sarili ko.

Yellow - sayang ang liko kung aalisin ko. Hindi dapat pairalin ang katamaran sa pagpapaganda ng puno kaya di na baleng sa sunod ay mas matrabaho, ang mahalaga ay maganda sa paningin ko.

Black - mas malaki ang nasa kanan at yun ang dapat na mas mataas, pero nanghinayang ako sa sanga kaya sa sunod na pag-iisipan. Posibleng palakihin ang bandamg kaliwa at putulin ang kanan after ng 1st secondary branch.


#MangyanBonsai
#hagodniDandoy



No comments:

Post a Comment